Posted by: pumzy | June 11, 2009

Dancing With The Stars: Manny Pacquiao

Just had to post this here too…from my Tagalog blog. Thought it’s a fruit of boredom LOL.

Here it goes…

Tsubibo Patrol

Muli pong nagbabalik ang inyong numero unong tagapagbalita, ang Tsubibo Patrol!

Sa ulo ng ating mga nagbabagang balita…

Manny Pacquiao To Join Dancing With The Stars!!!

May bagong scoop po tayo mga katsubibo! Napag-alaman ng Tsubibo Patrol na tinanggap na ni Manny Pacquiao ang matagal ng paanyaya ng Dancing With The Stars sa kanya na lumahok sa paligsahan sa dance floor. Matapos ang anim na buwang pag-iisip ay wala nang natira sa utak ni Pacman nakapag-decide na rin ang pambansang kamao na ipakita sa buong mundo ang kanyang husay sa pag-indak.

Sa darating na Setyembre ay mapapanood ang galing ni Pacquiao sa pag-indayog, paggiling, pagliyad at pag-split sa nabanggit na sikat na programa sa ABC. Ngayon nga ay nag-umpisa na ang puspusang pag-e-ensayo ni Manny.

‘Para lang pala itong buksing. Nakakapagod din at masaya.Kaya lang mas mabilis ako magotom dito. Where’s my water? I only drink vitwater you know. Oh mirinda na!’, saad pa ng ating bida nang siya ay aming kapanayamin.

Todo suporta naman si Aling Dionisia (Donya na daw siya at hindi Ale) sa bagong pinagkaka-abalahan ng kanyang paboritong anak (kawawa naman si Bobby). Kahit pa nga katatapos pa lang magpa-landscape, face lift at tummy-tuck ay hindi napigilan ng mga doktor ang PacMom sa paglabas ng ospital upang makisayaw kay Manny. ‘Hindi ku puwiding palampasin ito, you know. Mas nauna ako nag bulroom sa kanya kaya mas may alam ako. Bibigyan ko si Manny ng tips!’, masayang sabi pa ni Aling Donya Dionisia sa mga reporters.

Samantala, sa kampo ni Marquez ay nagkakagulo dahil sa naungusan na naman sila ni Manny. Kaya nga bukas daw ay magpapatawag ng press conference ang Mexicano para ideklara ang kanyang paglahok na rin sa naturang programa sa telebisyon. Hindi rin maawat ang bunganga ni Pretty Boy Floyd sa pagsasabing mas mahusay siyang sumayaw kay Pacquiao at hinahamon nya ang pambansang kamao ng showdown sa disco.

Narito ang isang larawan na patago naming kinunan habang nag-eensayo si Manny Pacquiao humataw! Parang sa Wild Card Gym din kasi ni Roach, mahigpit sa press ang mga DIs ni Manny.

At iyan po ang kaisa isang balitang aming nakalap sa araw na ito. Maraming salamat sa inyong pagsubaybay. Magbabalik ang Tsubibo Patrol kapag kami ay nakapulot muli ng tsismis para sa inyo.

Paalala sa mga tagapagbasa, tagapanood at tagapakinig… ‘Ang hindi magmahal sa sariling wika ay hindi makakarating sa paroroonan.’

Mabuhay!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: